Nananatiling buhay ang pakikibaka para sa tunay na repormang agraryo, nakakabuhay na sahod, disenteng trabaho at karapatan. Ang laban sa Hacienda Luisita ay laban ng buong sambayanan para sa katarungang panlipunan - para tuldukan ang matinding pangangamkam ng lupa sa bansa, para igiit ang disenteng trabaho at nakakabuhay na sahod sa maraming pagawaan. Ang pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng masaker ay pagkamit din ng katarungan para sa lahat ng biktima ng pasistang estado sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo.